Tinalikuran ni Bato ang electoral mandate niya. Ang pinakamalaking ambag niya sa Senado ngayon ay ang kanyang absence. Ronaldo 'Bato' dela Rosa has become a prominent fugitive under the Marcos government, raising questions about the administration's commitment to justice. Interior Secretary Jonvic Remulla's comments suggest fear of political repercussions from attempting to arrest Dela Rosa, highlighting issues of selective justice and institutional cowardice. This is AI-generated. Read the article for full context. Report any errors. Kulang-kulang nang anim na buwan mula May 14, 2026, nang umeskapo si Ronaldo “Bato” dela Rosa mula sa Senado. Sa puntong ito, siya na ang pinakasikat na pugante ng Marcos government — the one who got away. Ito ang administrasyong hindi nagbigay ng options kay Apollo Quiboloy kundi sumuko. Ito ang administrasyon na against all odds, inaresto si dating pangulong Rodrigo Duterte at dali-dali itong dinispatsa papuntang The Hague. Pero ngayon, wala tayong naririnig mula sa gobyerno kundi paliwanag. Sabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla, kapag ipinilit daw na arestuhin siya, “bodybags will be high.” Kaya’t ninenego raw nila na isuko siya ng makapangyarihang nagkakanlong sa kanya. (PANOORIN. News Reflection: Jonvic Remulla dropped the ball on Bato) Kung hindi kaya, bakit hindi muling i-enlist ang tulong ni Nicolas Torre III upang matapos na ang kuda, at magsimula na ang gawa? Ang pinakamalaking tanong ngayon: bakit nakalalaya pa rin siya? At anong nangyari sa probe ng National Bureau of Investigation kay Robin Padilla, ang accomplice #1 sa pagtakas ni Bato? Di ba dapat mayroon nang nasisisante dahil sa kapalpakang ito? O baka naman takot lang ang Marcos government sa political fallout ng pag-aresto sa kanya? Kung ganoon, tigilan na ang paandar o bluster mula kay Ginoong Remulla. We’d prefer someone walking the talk, rather than talking the walk. Malungkot mang sabihin, pero simbolo na si Bato ng institutional cowardice at selective justice. Naaalala nating lahat si Bato dahil sa stairwell flight niya kung saan ramdam na ramdam natin ang desperasyon niyang makaiwas sa hustisya. Pero higit pa riyan, tinalikuran ni Bato ang electoral mandate niya mula sa mga botante. Dahil nagtatago siya, hindi niya nagagampanan ang legislative na tungkulin niya bilang senador, pati na rin ang tungkulin niya bilang senator-judge sa impeachment trial. Ang pinakamalaking ambag niya sa Senado ngayon ay ang kanyang absence. Baka nga better off ang August halls na wala siya roon? Minsan ang “calibration” ay nagiging “paralysis.” Tapos na ang panahon ng pag-aalangan at pagpapatumpik-tumpik. Hindi natin maintindihan bakit mabigat ang puwet ng Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police gayong mismong SC ay tumangging protektahan siya. Bakit nga ba hindi nakakuha si Bato ng TRO laban sa International Criminal Court arrest warrant sa Korte Suprema na “packed with Duterte appointees”? Uulitin namin ang sinabi ng mahistradong si Associate Justice Benjamin Caguioa. Hindi raw malinis ang kamay ni Bato, at “bad faith has absolutely no remedy.” Hindi raw dapat kalimutan ng SC ang kasaysayan ng drug war ni Rodrigo Duterte na kumitil sa buhay ng estimated 30,000 sa extrajudicial killings. Sinabi rin ni Caguioa: “For too long, power has found ways to outrun justice. It has hidden in office, in influence, in violence, and now, in the language of due process.” Tuldukan na at iharap na siya sa hustisya. – Rappler.com How does this make you feel? Loading
[EDITORIAL] Missing pa rin si Bato — institutional cowardice o selective justice?
Full Article
Original Source
Read the full article at Rappler →KhanList aggregates and links to publicly available news content. We do not host full articles from third-party sources. Always verify important information with original sources.