5 datos na may kinalaman sa pag-ahon mo sa kahirapan

5 datos na may kinalaman sa pag-ahon mo sa kahirapan

Magkakakabit na problema ang edukasyon, kahirapan, at hanapbuhay — at sa kaso ng Pilipinas, perpetuating cycle ito ng underdevelopment The Philippines has achieved a single-digit poverty rate of 9.7% in 2025, the lowest in history, but the Multidimensional Poverty Index indicates that 12.8% of the population remains multidimensionally poor. Despite being classified as an upper-middle-income country with a GNI per capita of $4,850, significant income disparities exist across regions, with average incomes varying greatly between areas like Makati and Zamboanga. The country faces a severe literacy crisis, with 88% of students unable to read at a Grade 7 level, which poses challenges for future employment and perpetuates a cycle of poverty and underdevelopment. This is AI-generated. Read the article for full context. Report any errors. Nag-single-digit poverty rate na pala ang Pilipinas? Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, 9.7% na lang and mahihirap na Pilipino noong 2025, ang pinakamababa sa kasaysayan. Katumbas nito ang 11.08 milyong Pilipino, mula sa 17.54 milyon noong 2023. ‘Yan ang statistic No. 1 natin. Pero mismong bagong datos ng gobyerno ang nagsasabing baka hindi ito totoo kapag tiningnan sa lente ng edukasyon, pabahay at batayang serbisyo, kalusugan, at hanapbuhay. Ayon sa Multidimensional Poverty Index (MPI) — nasa double digit pa rin o 12.8% ang multidimensionally poor. ‘Yan ang statistic No. 2. May tatlo pang datos na dapat ibangga riyan kapag tiningnan natin ang kahirapan sa Pilipinas. Statistic No. 3, sa wakas classified na tayo na upper-middle income country, na may GNI [gross national income] per capita of $4,850 (mahigit-kumulang P291,000 sa palitang $1 = P60). At disclaimer ng mga economist, hindi ito ang be-all and end-all. Yugto lang daw ito sa development journey. Ang GNI per capita kas ay isang average statistic. Hindi nito ipinapakita ang disparity o agwat sa kinikita ng mayaman at mahirap. At karugtong niyan ang statistic No. 4, na nagsasabing malala pa rin ang income disparities across regions, ayon sa latest Family Income and Expenditure Survey (FIES) ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ibig sabihin, may Luzon-Mindanao divide pagdating sa income ng mga pamilyang Pilipino. Halimbawa, habang nasa P796,990 ang average income sa Makati, sa Zamboanga’y kakarampot na P309,610. Lumago raw ang income ng mga pamilyang Pilipino nang 16.5% mula 2023 hanggang 2025, pero lumobo rin ang spending na umabot sa 24.7%. Kaya hindi natin naramdamang may extra income tayo, dahil ubos lakas sa gastusin. Ang average annual family income ng Pilipino ay P411,350 ayon sa FIES. Malaki sana, pero kapag tiningnan mo in dollars, $6,610 lamang ‘yan. For comparison sa pinakamayamang bansa sa Southeast Asia na Singapore, ang average annual household income nito ay approximately US$149,000 (P8,940,000) habang US$9,970 (P698,200) naman ang sa Vietnam, ang sinusundan ng Pilipinas sa listahan. Sabi ng mga yumamang galing sa hirap, “hindi balakid sa tagumpay ang kahirapan.” We salute you, kayong lahat na nagsikap at nakaahon sa hirap. Pero para sa karaniwang Pilipino, paano ka makaaahon sa hirap kung palyado ang educational system na kinalakhan mo? At diyan pumapasok ang statistic No. 5: Ayon sa Final Report ng EDCOM 2, “severe” ang literacy crisis sa bansa, kung saan 88% ng mag-aaral ay hindi nakababasa sa Grade 7 level at 0.4% lamang ang proficient pag tapak ng Grade 12. (BASAHIN: 88% of students entering Grade 7 struggling to read at that level) Ito ang krisis na nakaamba sa Pilipinas — sa kabila ng pag-angat ngayong 2026, masu-sustain ba ito? Kapag sumali na sa labor force ang mga kabataang mababa ang kalidad ng edukasyon, paano sila matatanggap kung wala sa kanila ang skills na hinahanap ng employers? At siyempre, mauuwi ‘yan sa paglala ng unemployment at underemployment. Saan tayo pupulutin bilang bansa? Magkakakabit na problema ang edukasyon, kahirapan, at hanapbuhay — at sa kaso ng Pilipinas, perpetuating cycle ito ng underdevelopment. Kung ipinanganak kang mahirap, dehado kang makaangat dahil wala kang access sa kalidad na edukasyon. Maaaring lugmok ka sa kultura ng kahirapang nagdudulot ng helplessness at inferiority complex. Malamang din, tingin mo sa politiko ay padrinong pagkukunan ng ayuda, hindi tagapagsulong ng opportunity equality. At ‘yan ang cycle na kailangang maigpawan, upang magkaroon ng tunay na pagkakataon ang mahihirap na makaangat sa buhay. ‘Yan ang delubyong tila umaanod sa ating papalayo sa panaginip nating maginhawang buhay. – Rappler.com How does this make you feel? Loading

Original Source

Read the full article at Rappler →

KhanList aggregates and links to publicly available news content. We do not host full articles from third-party sources. Always verify important information with original sources.